Saturday, April 27, 2024

Notebook sa Pagsasanay Unang Antas

 Pagpapakilala sa Mga Kagamitan

  1. Pagpapahayag ng EE sa Pamamagitan ng Larawan
  2. Paunang Salita
  3. Pagpapahayag ng Pananampalataya at mga Prinsipyo
  4. Mga Mungkahi sa Pagsasanay
  5. Pangitain sa Pagsasanay

Mga Yunit sa Pagsasanay

Yunit I       Paghahanda sa mga Mananampalataya

Yunit II      Pagpapatotoo Bikang Bahagi ng Pang-araw-araw na Buhay

Yunit III    Pakikipagkaibigan

Yunit IV    Pagbibigay ng Patotoo

Yunit V     2 Panuring Tanong

Yunit VI    Pag-eebanghelyo: Biyaya at Tao

Yunit VII   Pag-eebanghelyo: Diyos at Cristo

Yunit VIII  Pag-eebanghelyo: Pananampalataya

Yunit IX     Pagtatalaga

Yunit X      Pagdidisipulo ng mga Bagong Mananampalataya

Yunit XI     Pagpapalista at Pagpaparami

Yunit XII    Pagharap sa mga Pagtutol

Yunit XIII   Pangwakas at ang Susunod na mga Hakbang

  

Evangelism Explosion

Mahal na Kaibigan kay Cristo,

Maluwalhating pagbati sa pagsasanay mo sa EE. Naniniwala akong matatagpuan mo ito na isa sa hahamon sa iyong kakayahan, magdadala ng buong katuwaan, magagawad ng gantimpala sa iyong mga pakikipagsapalaran sa buhay. Pagpalain ka nawa ng sagana ng Diyos sa pagbibigay mo nang matapat ng iyong sarili sa pagsasanay na malapit nang simulan.

Ang mga kaisipang ito ay matagal nang binuo, sinubukan, tinaya at inayos sa loob ng mahigit kumulang na 40 taon. Naniniwala ako na ito na ang pinakamabisang pagsasanay na makukuiha ng mga Cristiano para sa mga lider ng Church na gustong sanayin ang kanilang mga tao sa pakikipagkaibigan, pag-eebanghelyo, pagdidisipulo at mabungang paglago. 

Ang Notebook sa pagsasanay ay inihanda upang maintindihan at maisagawa ang mga materyales na ipinakikilala sa aklat ng EE. Kasama ng mga lektyur, mga pagpapakita kung paano ituro, pagsasanay sa paghahayag ng ebanghelyo at mga karanasan sa mismong pagpapatotoo, ang materyal na ito'y makakatulong sa iyo upang maging isang taong nagpapatotoo sa pamamagitan ng pamumuhay na gusto ng Diyos para sa ating lahat.

Marami ang nananalangin sa iyo sa pagsisimula ng pagsasanay mong ito. Nais kong personal na hamunin ka na ibigay mo nang buong-buo ang iyong sarili para sa gawaing nakalaan para sa iyo.

Pagpalain ka ng Diyos sa pagsisimula mo ng pinakadakilang pagharap mo sa buhay.



Matapat na sumasainyo sa ngalan ni Cristo,


Tagapagtatag at Pangulo


Kanyang Huling Kautusan....
   Ating Unag Pagmamalasakitan