Ang gabay sa Pananampalataya at mga Prinsipyo ng Evangelism Explosion International ay isang malawak na pang-eebanghelyong pagpapahayag na halos kaagapay ng nilalaman ng ebanghelyong ipinapahayag sa aklat ng Evangelism Explosion at ang mga kaisipang kinilalang lubhang mahalaga sa pagpapalawak ng gawain. Kioanakailngan na lahat ng mga taong nagnanais na masertipikahan ay sumang- ayon sa malawak na pinakamaliit na pagpapahayag. Walang balak na supilin ang mga pangdenominasyonng pagkakaiba, Sa halip, paraan ito upang pagkaisahin ang mga ebanghelyo mula sa iba't-ibang denominasyon na magkasundo sa payak na katotohanan at pagpapahayag ng ebanghelyo.
Ang Biblia ay kinasihan, walang kamalian at makapangyarihang salita ng Diyos.
Iisa lamang ang Diyos, na walang hanggang nabubuhay sa tatlong persona, Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Ang Panginoong Jesu-Cristo ay Diyos at Tao sa iisang persona, Ipinanganak siya ng isang birhen, namuhay nang hindi nagkakasala, gumawa ng mga milagro at minarapat na maging kapalit ng mga tao para sa kabayaran sa pamamgitan ng pagbububo ng kanyang dugo at ng Kanyang kamatayan. Nabuhay siya mula sa mga patay, umakyat at lomuklok sa kanan ng Diyos, at personal Siyang magbabalik sa kapangyarihan at kaluwalhatian.
Ang pagbabalik-loob na gawa ng Espirito Santo ay lubhang kailangan para sa kaligtasan ng naliligaw at taong makasalanan.
Ang buhay na walang hanggan ay naaangkin sa pamamagitan ng pananampalataya ito ay pagtitiwala kay Jesu-Cristo lamang para sa kanyang kaligtasan.
Nananahan ang Espiritu Santo sa lahat ng tunay na mga mananampalataya at tumutulong sa kanila upang mabuhay nang maka-Diyos na pamumuhay.
Ang mga nangaligtas at mga nangaligaw ay kapwa bubuhayin mula sa mga patay silang nangaligtas ay sa walang hanggang pagkabuhay at ang mga nangaligaw ay sa walang hanggang kaparusahan.
May pagkakaisang espiritwal ang lahat ng mga mananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Local Church ang pangunahing likha ng Diyos na lugar para sa gawaing pag-eebanghelyo sa mundo.
Ang bawat tunay na mananampalataya ay inuutusan ni Cristo na "Ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilalang." at "gawing disipulo ang lahat ng mga bansa."
Ang walang karanasang nagpapatotoo ay higit na matutulungan sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa pangkat-pangkat na pagdidisipulo na kinapapalooban ng aktwal na pagsasanay sa pag-eebanghelyo na pinangungunahan ng mga sanay nang mga napapatotoo.
No comments:
Post a Comment