Lahat ng paraan ay ginagawa upang maibigay sa iyo ang isang paraan ng pagsasanay para maisakatuparan ang hangarin mong maging isa sa patuloy na dumaraming nagpapatotoo tungkol kay Jesu-Cristo. Pero hindi magiging mabisa ang sinuman sa inyo kung hindi kayo magiging masipag at ganap na magsisikap. Sa kaparehong kabanata ay hinihimok tayo ni Pablo na magsanay at sanayin din ang iba, pinagbilinan din tayong maging masipag sa pag-aaral. (2 Timoteo 2:15). Para madama ng mundo ang gawain para kay Cristo, dapat tayong panggalingan ng kasipagan.
Manalangin araw-araw
Simulan ang bawat araw sa paghiling sa Diyos na gawin kang maging tagapagpatotoo ayon sa kanyang nais, gawin kang isang malinis na lagayan, na punuin ka Niya ng Kanyang Espiritu, at punuin niya ang puso mo ng pagkahabag sa mga di tumatanggap kay Cristo. Manalangin tuwinang kasama ng mga kabalikat mo sa panalangin. Hilingin mo sa Diyos na dalhin ka nya sa taong pagdadalhan mo ng Magandang Balita tungkol sa pag-ibig ni Cristo. Hilingin mong bigyan ka nya ng ugaling nagpapatuloy, nagtitiyaga, nagbibigay ng buong panahon sa pag-iisip, at ng ibang kakayahang kailngan para matapos ang pagsasanay at maumpisahang sanayin naman ang iba.
Umasa ka sa Diyos na tuparin ang Kanyang pangako para gawin kang isang tagapagpatotoo.
Sinabi ng Panginoong Jesus na magiging tagapagpatotoo nya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Espiritu. Hindi siya mabibigo na mangyari ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritung kumikilos sa iyo. Paniwalaan mong mabuti na magaganap nga ito sa iyo. Nakipagbuno si Jacob sa isang anghel, si Pablo sa gitna ng marami niyang pagsubok, at si Jesus nang nananalangin sa halamanan - sila ay nagsipaniwalang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang kanyang ipinangako. Manalig kang gagawin Niya rin ito sa iyo, habang tapat kang manalangin at inaabot ang iba para dalhan sila ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Ang katapatan ay nagbubunga ng saganang bunga.
Pagtuunan ang pagpapalawak sa pagpapatotoo bilang bahagi ng iyong buhay
Ang pageebanghelyo ay hindi sa oras lamang na inyong pagsasanay na minsan isang linggo lamang. Ang iyong patotoo ay kasing lawak ng iyong buhay. Habang ikaw ay lumalago sa iyong kakayahang maibahagiang iyong pananampalataya, pagtuunan mo ring palalimin ang iyong pakikipagugnayan -sa iyong mga kaibigan, kamag-anak, katrabaho at kapitbahay. Maging handa sa pagkakataong maibahagi ang ebanghelyo sa kanila at sa iba pang mga tao na makakasama mo sa araw-araw.
Laging isaisip ang mga layunin ng pagsasanay
Laging isaisip na trainee ka upang maging bahagi ng buhay mo ang pagpapatotoo at upang sanayin mo din ang iba na gawin din ang ganun. Sa pagiisip ng mga ganitong layunin, makikita mong lalo kang magkakaroon ka ng kamalayan at makakatugon sa lahat ng pagkakataong magpatotoo habang pinapatnubayan ka ng Diyos sa kanila at sa mga taong maari ring sanayin sa darating ng panahon.
Panatilihin ang tamang pananaw sa iyong pagsasanay
Ang isang karpinterong iniisip lamang ang kanyang gawain ay magpukpok ng pako at magsukat at maglagari ng tabla ay madaling makadama ng kabiguan at kawalan ng pag-asa. Pero kung ang kanyang nakikitang isang magandang tokador o isang tahanan an\g paunti-unti niyang ginagawa, mgkakaroon siya ng pananabik at isang walang katapusang katuwaan. Tandaan, hindi ka lamang nagbabasa, nagsasaulo at nagsasanay at tapos na ang lahat ng bagay. Nagsasanay ka para maging bahagi ka ng pinakamalaking kilusan, para sa pinakadakilang layunin at sa ngalan ng pinakadakilang Taong nabubuhay. Huwag mong hayaang mawala ang iyong pananaw sa iyong pagsasanay.
Pag-aralan mo lamang ang mga aralin sa bawat linggo
Ang pagsasanay na ito ay ginawa ayon sa panahong itinakda para matapos ang lahat ng itinakdang aralin. Huwag kang magmadali. Huwag mo ring payagang maiwan ka. Pag-aralan mo ang dapat pag-aralan sa bawat linggo, tapusin mo ang itinakdang aralin, sanaying mabuti o isaulo ang mga itinakdang aralin at purihin mo ang Diyos sa Kanyang biyayang nagbibigay ng kakayahan. Tandaan, Sa EE ay paghihirapan mo ang bawat yarda pero may katiyakan naman ang bawat pulgada. (Ang EE ay mahirap kung sa kabuuan, ngunit sa bawa't maliit na bahagi ay may matutuhan.)
Tapusin mo ang lahat ng mga itinakdang aralin
Ang listahan ng mga gagawin mo sa bawat linggo ay matatagpuan sa pagsisimula ng bawat yunit. Lubhang napakahalaga nito. Unti-untiin mong gawin ang mga ito araw-araw. Huwag mong tangkaing pag-aralan ang lahat sa loob ng isang gabi. Hati-hatiin mo sa loob ng isang linggo ang itinakdang aralin at ituring mong ang bawa't aralin ay isa pang hakbang papalapit sa iyong pagiging mabisang patotoo ni Jesu-Cristo.
Pagsikapang magsanay nang mabuti/maigi
Ang mga bagay na pinang-aaralan sa EE ay iniangkop sa kakayahan ng mga nakakaraming trainees. Matututuhan mo ang mga araling ito, mapagbubuti mo ang iyong mga kakayahn sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at masasanay mo ang ibang mananampalataya na gayahin ka. Sikaping pag-aralang mabuti ang lahat na itinakdang aralin, bawat oras ng pagsasanay, ang bawat lektyur, at bawat karanasan sa aktwal na pag-eebanghelyo.
Gawin ang mga dapat unahin
Bawat isa sa inyo ay may 168 oras bawat linggo. Bakit mas maraming nagagawa ang ibang tao kaysa sa iba? Marahil ang mga taong maraming nagagawa ay mga taong marunong magsaayos ng kung ano ang uunahin niyang dapat gawin. Sa pagpaplano mo bawat linggo, tiyakin mong nag-ukol ka ng magandang pagkakataon para sa iyong pamilya, paglilibang, pag-aaral, pagbisita at pagtatrabaho. Huwag mong hayaang ang mga ipinagmamadali o di gaanong mahalagang gawain ay makahadlang sa iyo upang maisagawa ang mga mahahalagang bagay.
Umasa sa mga espiritwal na kaaway at maghandang labanan ito
Hindi nakikialam si Satanas sa mga gawain ng iyong Church. Mas matutuwa pa nga ito kung naaaksaya mo ang maraming oras kaysa gawin mo ang pagpapalaganap ng Magandang Balita. maakit ang mga tao kay Cristo at magsanay ng mga taga-hikayat ng kaluluwa. Sa sandaling iwan mo na ang iyong karaniwang gawain sa Church at pasukin mo na ang pakikidigma ng Dakilang Paghayo, makakaharap mo ang paglaban ni Satanas. Subali't angkinin mo ang pangako ng Diyos na ang Banal na Espiritu na nasa iyo ay mas malakas kaysa kay Satanas. (Juan 4:4)
Maging matiyaga sa iyong sarili
May mga trainee na mabilis na makasaulo ng lahat ng aralin at mayroon namang matagal. Mayroon kang hindi matatandaan. Matutukso kang paikliin ito. Parang naririnig mo ang iyong sariling nagwiwika ng "Hindi ko kaya ito." Subalit kaya mo!. Maging matiyaga ka at mapilit. Ipagkaloob ng Diyos na matutunan mo ang mga bagay sa itinakda niyang panahon. Tandaan: ang iyong paghinto ang tanging paraan para ka bumag sa EE.
No comments:
Post a Comment