" Karanasang bumabago ng buhay!"
"Isa sa pinakamasayang linngo ng aking buhay!"
"Ang buhay ko'y hindi na magiging tulad ng dati!"
Ang mga ganito at iba pang papuri ng kasiyahan ang naging bukambibig ng mga pastor, misyonero, at mga mananampalataya pagkatapos nilang makatapos sa kanilang pagsasanay sa loob ng 6 na araw na EE Clinic at sa 13 linggo na semestreng pagsasanay sa mga Local Church.
Marami sa mga lider at mga mananampalataya ang sumulat sa opisina ng Evangelism Explosion Philippines na nagpapahayag ng kasiyahan tulad ng mga sumusunod:
"Dati-rati ay asarol ang aming ginagamit at ngayo'y binigyan nyo kami ng traktora na may kasama pang mga aralin para patakbuhin ito."
"Dati-rati ay karaniwang patpat at sinulid lamang ang ipinanghuhuli namin at ngayo'y binigyan kami ng bingwit, marahil kahit lambat pa."
"Ang usapang dati'y walang pinatutunguhan na tulad ng kambyong nasa neutral, ngayo'y nasa kambyong may patutunguhan na!"
"Nagbibigay ng lakas ng loob sa akin ang pagsasanay para ipahayag ang ebanghelyo sa sinuman atb saan man. Purihin ang Diyos at maraming salamat sa muli!"
Isang pastor na nakakita ng 103 bagong miyembrong nadagdag sa kanyang Church sa loob ng walong buwan pagkatapos ilunsad ang EE Clinic ang nagsabi, "Ito ang pinakabagong pamamaraan sa personal na pag-eebanghelyo na gumising sa napakalaking bilang ng mga mananampalataya na natuklasan sa ika-20 siglo.
Noong 1967, ang kauna-unahang Clinic sa Pagsasanay na Panglider ng Evangelism Explosion ay unang itinuro ng Nagtatag at Pangulo nito na si Dr. D. James Kennedy sa Church Coral Ridge Presbyterian sa Fort Lauderdale, Florida kung saan 36 na pastor ang dumalo. Hindi nga nagtagal at hindi na makayanang sanayin ng Nagtatag at ng kanyang Church ang dumadagsang mga pastor, misyonaryo at karaniwang mananampalatayang nagnanais na matuto. Noong 1972 lumaganap ang EE sa ibang mga lunsod, noong 1983 sa lahat ng kontinente, at noong 1996 sa lahat ng mga bansa sa boung mundo!
Ang waring sumasabog na pagdami ng mga tao ay nangangailangan din ng sumasabog na paraan ng pag-eebanghelyo kaya nga hinayaan ng Diyos na isilang ang gawaing ito ng Diyos ay tinatawag ito ng kanyang tagapagtatag ng Evagelism Explosion!
Dito ka papasok ngayon! Ihahanda ka ng pagsasanay na ito para mabisa mong maipahayag sa iyong mga kaibigan, kamag-anak, mga kaupisina, at kapitbahay ang ebanghelyo. Pagkatapos ay tutulungan ka namang sanayin mo ang iba. Layunin ng EE na ihanda ang mga Church sa lahat ng mga denominasyon sa lahat ng bansa, at inaasahang ang lahat ng tao ay maturuan din sa gawaing pakikipag-kaibigan, pag-eebanghelyo, pagdidisipulo at pagpapalago.
Ang Notebook na ito ay inihanda para mabigyan ka ng aklat na mapag-aaralan sa inyong bahay at silid-aralan.
Nawa ang pagsasanay na ito sa EE ay maging pinakatatanging karanasan mo sa iyong espiritwal na paglago. Sana ay ganap kang maihanda bilang mabisang tagahikayat ng kaluluwa at disipulo!
No comments:
Post a Comment