Pangitain sa Pagsasanay

 Pagpapasabog - Pagpaparami

    Kung matapos kang sanayin sa EE, magsasanay ka naman ng dalawang tao, makakabahagi ka sa Espiritwal na Pagpaparami. At kung ang dalawang sinanay mo ay magsasanay naman ng tig-dadalawa pa rin, magpapatuloy ang espiritwal na pagpaparami. Malay mo? Dahil sa iyong pagsunod at pakikisali ay magkaroon ng mga dose-dosena at di mabilang na mga taong nasanay sa pagpapatotoo at aktibong paghahayag ng ebanghelyo. Waring hindi kapani-paniwala ito, pero ito ang tindi ng nagawa ng iyong buhay kung patuloy kang magsasanay at magtututro ng iba pa. Sa madaling salita, higit na matindi ang magagawa mo (hanggang sa walang hanggan) sa pagsasanay ng mga tagahikayat ng kaluluwa kaysa mismong ikaw ang manghihikayat. Nakagugulat isipin ang matinding ginawa mo para sa mundo sa loob lamang ng maikling panahon. Magsikap upang maransan mo ang kagalakang makitang gumagawa ang Diyos sa pamamagitan mo at ibigay mo sa kanya ang buong kaluwalhatian.

No comments:

Post a Comment