PAG-EEBANGHELYO: CRISTO
Sino Siya?
- Walang hanggang Diyos-Tao.
Juan 1:1, 14 - "Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos...Naging tao ang Salita at Siya'y nanirahan sa piling natin. (Nakita namin ang Kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan)."
Anong ginawa Niya?
-Namatay Siya sa Krus at muling nabuhay sa mga patay upang bayaran ang kaparusahan sa ating mga kasalanan at upang ihanda ang lugar sa langit na Kanyang regalo sa atin.
Illustration:
Aklat na Talaan ng Kasalanan
Ipagpalagay natin na ang aklat na ito sa kanang kamay ko ay listahan ng lahat ng pinaggagawa ko sa buong buhay ko. Bawat pahina ay kakikitaan ng lahat ng mga kasalanan ko sa araw-araw, lahat ng salitang sinabi ko, mga bagay na sumagi sa isipan ko, lahat ng pinaggagawa ko.
Heto ngayon, sa aking kamay (ang libro) ang problema- ang kasalanan ko. Mahal ako ng Diyos(Ituturo ang kamay), subalit nasusuklam Siya sa aking kasalanan (ituturo ang libro) at parurusahan ito.
Para malutas ang problema, Ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo (dadalhin ang isang kamay sa kapantay ng libro). Sinasabi sa Biblia (banggitin ang Isaias 53:6 - kapag sinabi mo ang katagang, "sa Kanya ipataw" ilagay ang libro nang nakikita ng kausap mula sa kaliwang kamay patungo sa kanan at iwan ito sa kanang kamay). Lahat ng aking kasalanan na kinasusuklaman ng Diyos ay pinasan ng Kanyang mahal na Anak.
Sa wakas, nang ang pinakahuling kasalanan ay nabayaran na, sinabi ni Jesus, "Naganap na!" Ito ay isang kawili- wiling salita sa orihinal na teksto. Ito ay Tetelestai, isang pang-kalakal na salita na ang ibig sabihin ay, "Bayad na iyon. Bayad na ang utang." Nang namatay Siya sa krus inilibing Siya ng tatlong araw (ilagay ang libro sa kandungan) ngunit bumangon Siya sa mga patay at nagpunta sa langit para ihanda ang isang lugar para sa atin. Ngayon inaalok Niya ang langit - buhay na walang hanggan - bilang regalo sa iyo at sa akin.
Isaias 53:6 - "Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit iniibig ng Diyos sa sa Kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat na tumanggap."
Transisyon: Matatanggap ang regalong ito s pamamagitan ng pananampalataya.
.jpg)
.jpg)
No comments:
Post a Comment