PAG-EEBANGHELYO: PANANAMPALATAYA
Susi ng Langit
Halimbawa:
Ang pananampalataya ay susi na makapagbubukas ng pinto ng kalangitan. Mayroon ka marahil key chain na puno ng susing magkakamukhang tulad nito (gumamit ng key chain talaga). Pero sasabihin ko sa iyo, kung pupunta ka sa harapan ng aming bahay, pwedeng subukan mo ang lahat ng susi ngunit isa lamang ang maaring makapagbukas ng pintuang iyon. Hindi mahalaga kung gaano ang paghahangad ko na mabuksan ang pintuan gamit ang ibang susi. Ang katotohanan ay iisa lamang ang makapagbubukas ng pinto at ito ay ang tamang susi.
Ang tamang susi sa langit at tinatawag na pananampalataya, nakapagliligtas na pananampalataya. Ito ang makapagbubukas nito. Hayaan mong sabihin ko kung ano ang dalawang susi na maraming tao ang nag-aakala na makapagbubukas ng pintuan ng langit.
Ang susing ito ay ang kaalaman sa pag-iisip lamng at panandaliang pananampalataya.
Kaalaman sa Pag-iisip Lamang
Halimbawa:
May mga taong naniniwala kay Jesu-Cristo katulad ng paniniwala nila ka Jose Rizal o Andres Bonifacio. Naniniwala sila na sila ay nabuhay. Sila ay tunay na tao sa kasaysayan ngunit, hindi nila sila pinagkakatiwalaan na may magagawa ito sa kanila ngayon.
Sinasabi ng Biblia na ang Diablo ay naniniwala sa Diyos. Alam mo ba iyan? Sinasabi sa Biblia, "Sumasapalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga Diyablo ay sumasapalataya din at nangangatal pa." Nakakapanalangin pa. (Santiago 2:19). Kaya ang paniniwala sa Diyos ay hindi ang ibig sabihin ng nakapagliligtas na pananampalataya.
Panandaliang Pananampalataya
Halimbawa:
Ang panandaliang pananampalataya ay isa pang pananampalataya na napagkakamalan ng marami na nakpagliligtas. Kapag ang isang tao ay nagtitiwala sa Panginoon para sa kanilang pinansyal na pangangailangan maari natin itong tawaing pananampalatayang pinansyal. Ang iba ay nagtitiwala sa Kanya para ingatan ang kanilang pamilya. Maari natin itong tawaging pananampalatayang pampamilya. Marami ang nananalangin na ingatan sila sa kanilang pagbiiyahe. Maari itong tawagin na pananampalatayang pambiyahe. Mayroong elemento na magkakapareho ang lahat na ito. Lahat ng ito ay temporal o panandalian lamang. Halimbawa, kapag narating mo na ang iyong pupuntahan hindi mo na kailangan ang pananampalatayang pambiyahe.
Lahat ng bagay dito sa mundo ay lilipas. Lahat ng ito ay temporal. Pero ang nakapagliligtas na pananampalataya ay ang pagtititwala kay Jesu-Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan.
Pananampalatayang Nakapagliligtas
- pagtitiwala kay Jesu-Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan.
Gawa 16:31 - "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo at maliligtas ka."
Illustration:
Ang Silya
Naniniwala ka ba na mayroong silya (ituro ang silya)? Sa palagay mo ba ay kaya ako nitong kargahin? Pero nakikita mong hindi pa ako nakakarga nito sa simpleng dahilan: Hindi pa ako umuupo dito.
Ipag[palagay nating ang silyang ito ang kumakatawan kay Jesu-Cristo. Mahaba rin panahon naniwala akong nabuhay Siya at maari Niya akong matulungan, pero wala akong buhay na walang hanggan sapagkat ang pinagkakatiwalaan ko ay ang aking mabubuting nagawa para ako makapasok sa langit. Ilang taon na ang nakalipas ng magsisis ako sa aking mga kasalanan at inilipat ko ang pagtitiwala ko mula sa aking sarili patungo kay Jesu-Cristo - mula sa aking ginagawa tungo sa tinapos ni Jesus doon sa krus (lumipat sa bakanteng silya ). Sa isang simpleng kapahayagan ng pananampalataya inilipat ko ang aking tiwala mula sa aking mabubuting gawa tungo sa ginawa ni Cristo para sa akin.
Natatandaan mo pa ba ang sagot mo sa katanungan ng Diyos kung "Bakit kita dapat papasukin sa Aking langit?" sinabi mo na "sinisikap kong mamuhay ng mabuting buhay. Hindi naman ako masamang tao." Sino lang ang taong tinutukoy mo sa sagot mo kanina?
Upang matanggap mo ang buhay na walang hanggan, dapat mong ilipat ang pagtitiwala mo mula sa iyong sarili patungo kay Jesu-Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan.
Kamay ng Pulubi at Pagpapasalamat
Halimbawa:
Ang pananampalataya ay ang kamay ng pulubing tumatanggap ng regalo mula sa hari. Hindi ako karapat-dapat doon noon at hindi parin karapat -dapat ngayon - at hinding-hindi parin magigigng karapat-dapat. Ngunit mayroon ako niyon. Sa pamamagitan ng biyaya!
(Gumamit ng bagay katulad ng ballpen para sa halimbawang ito. Hawakan ito ng iyong kamay at sabihin, "Ang pananampalataya ay ang kamay ng pulubing tumatanggap..."tapos abutin ng kaliwang kamay ang "regalo" hanggang matapos mo ang halimbawa.)
Bakit ko pa sisikapin na mabuhay nang mabuti? Ang dahilan para sa maka Diyos na pamumuhay ay pasasalamat. Hindi ako nagsisikap na magkamit ng anumang bagay sa pamamagitan ng pagpapakabuti, sa halip, ito ang paraan ng pagsasabi ko, "Salamat po para sa buhay na walang hanggan na ibinigay sa akin ni Cristo."
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
No comments:
Post a Comment