PAG-EEBANGHELYO: TAO
Makasalanan ang tao
Roma 3:23 - "Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapatdapat sa paningin ng Diyos."
Halimbawa:
Kapag naisip natin ang kasalanan ang nasa isio lamang natin ay mga nakawan, sadyang pagpatay, pakikiapid, atdp., pero sinasabi ng Biblia na ang kasalanan ay lahat nang hindi nakakalugod sa Diyos o ang pagkakasala sa Kanyang kautusan.
Ang lahat ng ginagawa natin na hindi dapat ginagawa, tulad ng ating pagtitimpi o pagnanakaw - ito ay amg mga kasalanang ginagawa natin. Lahat ng ating gagawin na hindi naman natin ginagawa, tulad ng panalangin, pagbabasa ng Biblia o ang mahalin ang ating kapitbahay - ito ang mga kasalanang hindi natin ginagawa. Hindi lamang kasalanan sa gawa ngunit may mga kasalanan din sa salita at pag-iisip, tulad ng pagsisinungaling, pagmumura, pagnanasa, pagpapahalaga sa sarili at galit. Sinasabi ng Biblia na ang lahat ng ito ay kasalanan.
3 Kasalanan sa Isang Araw
Halimbawa:
Ipagpalagay natin ang isang tao ay gumagawa ng 10 kasalanan lamang, o kaya ay 5, o kahit 3 na lamang. Kung tatlo ay para na siyang lumalakad na anghel. Isipin mo na lamang kung hindi mas madalas sa 3 kasalanan isang araw na nag-isip Siya nang masama, nawalan nang pagtitimpi o hindi magawa ang dapat na gawin sa Diyos at sa tao - napakabaitna niyang tao marahil ano?
Kahit na siya ay ganito kabait, magkakaroon parin siya ng mahigit sa isang libo sa isang taon! Kung aabot siya ng pitumpung taong gulang magkakaroon Siya ng 70,000 kasalanan.
Tingnan mo na lamang ang mangyayari sa paulit-ulit na pagkakasala kung dadalhin siya sa isang hukuman at nakatala ang 70,000 kasalan sa Kanyang listahan!
Ito ay nagpapakita na hindi lamang ng pagigigng makasalanan ko, ngunit pati ang kaseryosohan ng aking kasalanan.
Hindi Maliligtas ang Sarili
Illustration:
Tortang may Bugok na Itlog
Kapag magluluto ako ng torta na may limang sariwang itlog at isang bugok, hindi ko ito maihahaain sa mga kakain at asahang magugustuhan nila.
Lalong higit na hindi natin maibibigay sa Diyos ang ating buhay, na maaring maraming bagay doon na matatawag ng mga taong mabuti subalit puno naman ng mga gawa at pag-iisip na bulok, at aasahan pa nating maging katanggap-tanggap sa Diyos?
Sinasabi sa Banal na Kasulatan, "Ang tumutupad sa buong kautusan ngunit lumabagsa isa ay lumalabag sa lahat." Kung gusto nating makapasok sa langit sa pamamagitan ng mabuting gawa, ang kailngan lamang nating gawin ay ang maging sakdal. Ang panuntunan ng Diyos ay ang pagtalima sa Kanya sa lahat ng oras. Dito tayo kinakapos.
Nakita mo ba kung bkit imposibleng makapasok ang sinuman sa langit sa pamamagitan ng mabuting gawa?
Transisyon: Lalo pa itong lilinaw kung titingnan natin ang sinasabi ng Biblia tungkol sa Diyos.
.jpg)
.jpg)
No comments:
Post a Comment